πππππΌπππ
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
Ang sentral na paksa ng sanaysay ay ang hirap ng buhay sa pag tira sa Iskwater area.
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa
Ang sa tingin kong di tuwirang tinalakay sa teksto ay ang parte na sinabi ng tagapagsalaysay na "Nangako ang gobyerno na kapag nademolis kami ay may nakahanda kaming malilipatang lupa sa parte ng Payatas. Pero ang iba naman ay patuloy paring naghihintay"
dito na parte ako medyong naguluhan bagamat nabanggit niyang siya ay nakatira parin sa iskwater Area, pero hindi niya nabanggit na pati sila ay patuloy paring nag aantay sa pabahay na pinangako ng gobyerno.
3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtatalakay sa paksa? Ipaliwanag.
Ang layunin ng may akda sa pag talakay sa paksa, ay ang hirap ng pagiging mahirap. Gustuhin man nilang tumira sa mas mapayapa at maayos na lugar, ay wala silang kakayahan para gawin ito. Ipinapahayag rin nito, na bakit kailangan pang agawan ng mga mas nakakaangat sa buhay at kayang manirahan sa mas maayos na lugar ang mga taong nakakaranas ng kahirapan.
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
Ano naman ang hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
Ang ideya na aking sinasangayunan ay ang sinabi niyang, ang iskwater ay ang lugar kung saan ang mga mahihirap lamang ang naninirahan. Sapagkat ang mga taong walang kakayahan bumili ng sarili nilang lupa ang siyang may lakas ng loob na labagin ang batas dahil sa kahirapan, at walang marangya ang pipiliing manirahan sa ganitong sitwasyon sapagkat malaking posibilidad na ang itinayo nilang bahay ay maaring sirain ng gobyerno sapagkat ito ay batas.
Ang hindi ko naman sinasangayunan ay ang sinabi niyang "ipinanganak akong mahirap ay mamamatay din yata akong mahirap". Bilang isang tao, lahat tayo ay may kakayahang baguhin ang ating kapalaran, sabi nga nila, nasasaatin ang ating kapalaran. Huwag tayong mawalan ng pagasang umangat sa buhay, gawin nating inspirasyon ang mga pag hihirap na ating dinadanas sa buhay.
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
Kahit papaano maaalintulad ko ang aking sarili sa kanyang karanasan, sapagkat hindi naman ganun karangya ang aming buhay. May mga pagkakataon na kami ay walang kain, at may mga araw na ako ay sinusubok ng kahirapan na dumadating sa punto na ayaw ko nang mag patuloy sa aking mga ginagawa. Maraming katanungan sa aking sarili na bakit may nasa baba at merong nasa itaas. May pag kakataon na ako ay naiinggit sa buhay ng iba. Ngunit aking napagtanto na balang araw mararanasan ko rin ang mga nararanasan nila ngayon. Kaya ako'y andito, nag aaral ng mabuti upang makamit ang aking mga mithiin para sa sarili at para saaking pamilya.
6. Gaano kahalaga ang pagtatalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
Napakahalaga na ito ay matalakay upang mabago ang papanaw ng nakararami sa mga nakatira sa iskwater. Ako mismo ay inaamin kong hindi maganda ang pananaw ko dati sa mga nakatira sa iskwater, pero nang akin itong nabasa, nag bago ang lahat. Ang pag aakala ko dati ang mga naninirahan sa iskwater ay matitigas ang ulo at mga walang balak sa buhay, ngunit ako pala ay nag kakamali. Ako ay nalulungkot dahil ganun ang naging pananaw ko sakanila dati, sapagkat ako palang ay isang mangmang dati at nag papasalamat ako sa salaysay na ito dahil binago niya ang aking pananaw. Ako ngayon ay lubos na nag papasalamat dahil kahit papaano ay hindi ko nararansan ang hirap na kanilang dinaranas.
Ito ay maaahalintulad sa sitwasyon ngayon, sapagkat marami paring mamamayan ang naninirahan sa iskwater. Marami parin ang nakakaranas ng kahirapan, at maaring lingid sa ating kaalaman na mas malala pa ngayon. Ganun din sa ating pamahalaan o gobyerno. Hanggang ngayon ay hindi parin nabibigyan ng sapat na tulong ang mga mahihirap ang buhay, ngunit ito ay aking naiintindihan dahil hindi ganun ka yaman ang ating bansa para matulungan ang lahat na mahihirap. Kaya tayo, kaylangan nating mag sikap, at ng mabawasan ang problema ng ating bansa.
Mungkahing Gawain
1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.
Comments
Post a Comment